CSWD Dagupan, ipinaalala sa mga magulang ang kahalagahan ng pagpasok sa daycare center

Ipinaalala ng City Social Welfare and Development o CSWD Dagupan sa mga magulang ang kahalagahan ng pagpasok sa daycare center ng mga bata.

Ayon kay CSWD Officer Leah Aquino, sa murang edad ng mga batang dalawa hanggang limang taong gulang, mahalagang makapasok sa daycare center ang mga bata dahil dito sila matututong maki-salamuha sa kapwa bata, at dito rin sila magsisimula sa pag-identify ng colors at numbers.

Ani Aquino, daan din ang pagpasok ng mga bata sa daycare center upang maagang mahubog ang kanilang kaalaman at magandang kaugalian na madadala nila sa kanilang paglaki.

Sa ngayon, umaabot na sa apatnaput dalawang daycare center ang inaasahang magbubukas ng klase sa Lunes, kaya’t ipinapayo ni Aquino na iparehistro na ang kanilang mga anak, magdala lamang ng birth certificate.

Speak Your Mind

*