Dagdag-sahod ng mga guro, hindi pa nangyayari sa Administrasyong Aquino

Bukod-tanging sa ilalim lang ng Administrasyong Aquino hindi nakatatanggap ng umento sa sahod ang mga guro.

Ito ang dismayadong pahayag ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) National Chairman Benjie Valbuena sa panayam ng DZAR sonshine radio.

Ani Valbuena, matagal nang binabale-wala ng administrasyon ni Pnoy ang hiling nilang dagdag-sahod ng mga guro!

Bukod dito, kinastigo rin ni Valbuena si Budget Secretary Butch Abad, dahil hindi aniya ito kumikilos para tugunan ang umento sa sahod ng mga titser!

Una nang inihayag ng malakanyang na nasa kalagitnaan na ng taon at naipasa na ang 2014 budget kaya wala nang mapagkukunan pa ng pondo para hirit na umento sa sahod ng mga guro.

Speak Your Mind

*