Dagupan PNP, pinayuhan ang mga school officials na panatilihin ang watch list ng mga student bullies

Pinapayuhan ngayon ng Dagupan City Police ang mga school officials na panatilihin ang kanilang watch list ng mga student bullies, upang maiwasan umano ang bullying sa loob ng eskwelahan.

Ayon kay Supt. Christopher Abrahano, ang hepe ng Dagupan Police, ang database ng mga student bullies ay makakatulong sa kampanya laban sa pagmamaltrato sa mga estudyante.

Kung ang mga guro at school officials ay may listahan ng mga estudyanteng palaging nambu-bully, mas madali sa kanila na disiplinahin ang mga estudyante.

Ayon pa kay Abrahano, tutulong din ang kapulisan sa pagkontrol sa trapiko para bigyang seguridad ang mga mag-aaral sa labas ng paaralan at meron ding magbabantay sa mga eskwelahan para merong agad reresponde kung meron mang sumbong na pambubully.

Speak Your Mind

*