Dagupan PNP, tiniyak ang siguridad ng mga estudyante sa kolihiyo

Tiniyak ng Philippine National Police o PNP Dagupan ang siguridad at kaligtasan ng mga studyante sa koliheyo sa pormal na pagbubukas ng klase ngayong  araw.

Ayon kay Dagupan PNP Chief P/Supt. Christopher Abrahano, tatlong areas ang pinaghandaan ng Dagupan PNP kabilang na ang pagbabantay sa siguridad sa loob ng eskuwelahan, pagtulong sa daloy ng trapiko malapit sa eskuwelahan at ang pagtutok sa siguridad ng mga estudyante sa labas ng paaralan.

Inaasahan na umano ng Pulisya ang pagsulputan ng mga taong gumagawa ng krimen dahil sa pagdagsa ng mga estudyate na karaniwan nilang target kayat mas pinaigting nila ang kanilang pagbabantay.

Sinabi pa ni Abrahano na alinsunod sa programa ng Police Provincial Office na stronger police presence, mas pag-iigtingin nila ngayon ang Patrol 101 lalo na sa mga lugar na malapit sa paaralan.

Speak Your Mind

*