Daing industry ng San Fabian, pinangangambahan maaapektuhan ng maulang panahon

Posible umanong maapektuhan ang daing industry sa Bayan ng San Fabian, Pangasinan ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Municipal Agriculturist Juan Hugilon Jr., bagamat hindi na bago sa mga magtutuyo ang ganitong problema ay hindi parin maiwasan na bahala ang mga ito sa kanilang produkto.

Sinabi ni Hugilon na pangunahing maapektuhan ng lagay ng panahon ang kalidad ng produktong daing dahil posibleng dagdagan ang timplang asin upang maiwasang bumaho ang isda kahit hindi nabilad sa araw.

Sa kabila nito, umaasa naman ang mga magtutuyo sa Bayan ng San Fabian na hindi maaapektuhan ang kanilang kita at tuloy-tuloy ang pagyabong ng daing industry ng bayan kahit panahon na ng tag-ulan.

Speak Your Mind

*