Dalawang daang Out of School Youth sa Malasiqui, sasailaim sa TESDA training

Mahigit dalawang daang Out-of-School Youths (OSY) sa bayan ng Malasiqui Pangasinan, ay sasailalim sa tatlong buwang pagsasanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na sponsor ng lokal na pamahalaan ng Malasiqui.

Ang mga nasabing kabataan ay mga high school graduates na hindi nakapagpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan sa buhay.

Ngunit may pagnanais na makakuha ng isang maikling kurso para meron silang sandalan na makakuha ng agarang trabaho at kung makaipon umano ay maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Malasiqui kung saan naglaan ito ng kalahating milyong piso para sa nasabing pagsasanay, ay magkakaroon ng katuparan ang pangarap na ito.

Speak Your Mind

*