DAP, mahalaga umano ang gagampanan sa pag-arangkada ng ekonomiya ng bansa

Mahalaga ang Disbursement Acceleration Program (DAP) para mapabilis ang pag-arangkada ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang iginiit ni Presidential Communication Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., sa gitna ng posibleng maging desisyon ng korte suprema kaugnay ng legalidad ng dap.

Sa katunayan aniya ay kinumpirma ng World Bank na nadagdagan ng 1 point 3 percent ang Gross Domestic Product Growth ng bansa sa huling bahagi ng 2012 kung kailan sinimulang ipatupad ng pamahalaan ang DAP.

Tiniyak naman ng palasyo na kanilang irerespeto ang magiging hakbang ng korte suprema para sa kini-kwestyong DAP.

Speak Your Mind

*