Dating opisyal at tauhan ng MRT, dapat imbestigahan sa palpak na operasyon ng tren

Dapat ding imbestigahan at kalampagin sa sumasamang kondisyon ng mga tren at ng buong pasilidad ang mga dating opisyal at tauhan ng Metro Rail Transit (MRT).

Ito ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate ay upang papanagutin ang mga ito sa palpak na operasyon ng Mass Transport System.

Dahil dito, pinahahanap ni Zarate sa mga awtoridad ang mga dating operator at maintenance provider ng MRT.

Inaabot aniya ng 25 taon ang buhay ng isang Light Rail vehicle  tulad ng ginagamit ng MRT-3 at kung maayos ang paggamit at maintenance nito ay puwedeng mapakinabangan ng hanggang 35 taon

Subalit ang mga LRT na ginagamit ng MRT ay 15 pa lang ang napapakinabangan sapul nang magsimula ang ope-rasyon nito noong 1999.

Speak Your Mind

*