Demand ng asukal sa bansa, tumaas simula noong nakaraang taon

Tumaas naman ang demand sa Asukal sa Bansa mula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan.

Ito ang inamin ng Sugar Regulatory Administration dahil sa mataas na konsumo ng asukal nitong mga nakalipas na buwan bunsod ng mainit na panahon.

Ayon kay SRA Administrator Maria Regina Martin, marami kasi sa mga kababayan ang gumagawa ng mga produktong pampalamig na nangangailangan ng asukal gayundin ang pinaigting na kampaniya ng pamahalaan upang masugpo ang smuggling ng asukal.

Batay sa pagtaya ng SRA, aabot sa 2.2 milyong metriko tonelada ng asukal ang nakonsumo ngayong taon kumpara sa 2.1 milyong metriko tonelada ng asukal noong isang taon.

Speak Your Mind

*