Demolisyon ng tatlong school building ng Manaoag National High School, nilinaw

Binigyang linaw ng pamunuaan ng Manaoag National High School ang isyu sa umano’y demolisyon o pagpapagiba sa kanilang tatlong school building.

Sinabi ni Rebecca Cansino ang Principal ng naturang paaralan, na binigyan lamang ng ibang kahulugan ang pagpapadimoles sa Araling Panlipunan building, Main building, at T-L-E building kahit na dumaan ito sa ibat-ibang konsultasyon.

Ayon ni Cansino, masyado nang luma ang naturang mga gusali kung saan marami na ang nabubulok dito dahil sa mga umatakeng anay at mapanganib narin ito para sa mga estudyante.

Iginit pa ng principal na hindi niya gagawin ang naturang mga hakbang kung walang sapat na mga papeles at permiso sa DepEd.

Aminado naman ni Cansino na may kakulangan sa silid aralan ang Manaoag National High School kayat ito ang patuloy nilang tinutugunan.

Speak Your Mind

*