Demolisyon sa mga illegal fish pen sa kailugan ng Dagupan, nakumpleto na

Sampung illegal fish pens ang huling batch na binaklas ng Task Force Bantay Ilog para makumpleto ang demolisyon sa mga illegal structures sa kailugan ng Dagupan sa pagtatapos ng buwan ng Mayo.

Ayon kay City Agriculturist Emma Molina, ang pinuno ng Task Force Bantay Ilog, mula sa kabuuang apat na raang illegal fish pens na sumakop sa 12.9 hectares na bahagi ng ilog, ay nakumpleto na rin ang total demolition sa mga iligal na istruktura sa kailugan ng syudad.

Sinisiguro ngayon ng Task Force Bantay Ilog ng syudad na wala ni isang istruktura ang itatayo sa ilog lalo na ngayon at on-going ang pagdadraga sa ilog kaya maigting na babantayan ito ng ahensya.

Speak Your Mind

*