Dennis Orcollo, pinangunahan ang kampanya ng mga Filipino Cue-artists sa World 9-ball Championship

Pinangunahan nina Antonio Gabica at Dennis Orcollo ang anim na Filipino Cue-Artists na nagwagi ng kanilang unang laro sa pagsisimula ng 2014 World 9-ball Championship sa al Saad Sports Club sa Doha, Qatar nitong Sabado.

Giniba ni Gabica si Kou Po Cheng ng Chinese Taipei, sa iskor na  9-5, sa group 4 habang si Orcollo ay bumangon mula sa 6-8 iskor tungo sa 9-8 panalo kay Jason Klatt ng Canada sa group 7.

Nanalo rin sina Warren Kiamco, Carlo Biado, Raymund Faraon at Elvis Calasang para mangailangan na lamang ng isang panalo para umabante sa knockout stage sa kompetisyong sinalihan ng 128 players at sinahugan ng $200,000.00 kabuuang premyo.

May siyam na Pinoy ang nasabak sa unang araw ng kompetisyon pero minalas sina dating World Champion Efren “Bata” Reyes, Ramil Gallego at Francisco Felicilda na natalo sa kanilang mga laro.

Speak Your Mind

*