DENR-EMB Region 1, iginiit na malaki ang kayang gampanan ng Publiko laban sa banta ng Climate Change

Malaki umano ang kayang gampanan ng Publiko upang makatulong sa pangangalaga sa Kapaligiran, likas na Yaman at mapigilan ang banta ng Climate Change.

Ayon kay DENR-Environment Management Bureau (EMB) Regional Director Joel Salvador sa simpleng paraan magagawa ng lahat na makatulong sa inang Kalikasan at hindi na kailangan pa ang mga Makabagong Teknolihiya.

Aniya, sa simpleng Lifestyle magagawa ito sa pamamagitan ng pagtitipid sa mga appliances na ginagamitan ng Enerhiya, tamang Waste Disposal at hindi pagsusunog ng basura, pagtitipid sa kunsumo ng Kuryente at limitahan ang paggamit ng sasakyan na nagbubuga ng usok na nakaka epekto sa Global Warming.

Speak Your Mind

*