DENR Region 1, makikiisa sa World Environment Day

“Raise your voice not the sea level.”

Ito ang sigaw ng buong sanlibutan sa pagdiriwang ng World Environment Day sa darating na Hunyo a-singko ngayong taon.

Ayon kay DENR Director ng Region 1 Samuel Peniafiel, ang climate change ang problemang kinakaharap ng lahat ng mayayaman o mahiirap na bansa kung saan ayon pa sa mga dalubhasa na sa darating na 2020, tataas ang level ng tubig na aabot ng isang metro.

Dahil dito mababawasan umano ang land area ng mga nasa coastal areas at isa na ang lalawigan ng Pangasinan, dahil sa epekto ng pagbabago ng panahon dulot ng maraming carbon dioxide sa kalangitan na siya namang nagpapainit ng temperatura at nagtutunaw sa mga makapal na yelo sa North pole.

Iginiit ni Peniafel na sa pamamagitan ng adbokasiya ng DENR, dapat ipaalam sa mamamayan na mag ingay, makibahagi at makiisa sa climate change adaptation at metigation tulad ng pagsuporta sa mga tree planting para maiiwasan ang epekto ng climate change.

Speak Your Mind

*