DEPED, aminadong kulang ang bilang ng mga silid-aralan sa buong bansa

Kulang pa rin ang bilang ng mga silid-aralan sa buong bansa ngayong School Year 2014-2015!

Ito ang inamin ni Deparment of Education Assistant Secretary Jesus Lorenzo Mateo sa panayam ng sonshine radio!

Ani Mateo, kulang pa rin ang silid-aralan sa ilang eskwelahan partikular na sa Metro Manila.

Nauna nang sinabi ng Deped na hindi kulang ang silid-aralan dahil ang problema anila sa maraming pampublikong paaralan ay ang kawalan ng sapat na espasyo dahilan para magsiksikan ang mga mag-aaral!

Ayon kay Mateo, may mga hakbang na silang ginagawa para maibsan ang pagsisikip na dulot ng kakulangan ng mga silid-aralan.

Speak Your Mind

*