DepEd Sec. Armin Luistro, pinagpapaliwanag sa kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.

Pinagpapaliwanag ng oposisyon sa kamara si Education Secretary Armin Luistro dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan sa buong bansa.

Ayon kay Cong. Ferdinand Martin Romualdez, tumatayong lider ng Independent Minority Bloc mismong sina Pangulong Aquino at Luistro pa ang nagyabang na walang kakulangan ng silid-aralan ngayong pasukan.

Una nang sinabi ng pangulo na lumagpas pa ang pamahalaan sa target classroom nitong 66,800 kung saan nakapagtayo aniya sila ng 66,813 classrooms sa buong bansa.

Subalit sinabi ni Romualdez na sa Leyte lamang ay libo-libong elementary at high school students ang nagka-klase sa loob ng mga tent at mga gawa-gawa lamang na silid aralan.

Habang sa Metro Manila ay dagsa rin aniya ang reklamo dahil sa kakulangan ng mga silid aralan.

Speak Your Mind

*