DFA, tiniyak na makakauwi ng ligtas ang mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan sa Libya

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makakauwi ng ligtas sa Pilipinas ang mga pilipinong naiipit ngayon sa nagaganap na kaguluhan sa Libya.

Kaugnay nito, nagpadala ng karagdagang tauhan ang DFA sa Libya para alalayan ang gagawing paglikas sa mga Pilipino mula sa nasabing bansa.

Nangako naman ang pamahalaan na sasagutin ng gobyerno ang gagastusin sa repatriation ng mga Pilipino.

Matatandaang itinaas na ng DFA sa alert level 3 ang lumalalang political crisis sa Libya kung saan kinakailangan nang lumikas ang mahigit sa labintatlong libong pilipinong naroroon.

Sa kasalukuyan ay nasa limampu’t isang OFWS pa lamang ang boluntaryong nagpa-rehistro sa embahada ng Pilipinas sa Libya para sa kanilang repatriation mula nang itinaas sa alert level 3 ang sitwasyon sa nasabing bansa.

Speak Your Mind

*