Drug clearing operation sa mga barangay, malaking tulong sa pagresulba ang problema ng droga

Naniniwala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 na malaking tulong ang pagsasagawa ng mga drug clearing operation sa mga barangay para masolusyunan ang problema sa droga.

Ayon kay PDEA Regional Director Adrian Alvarino, mahalagang matutukan ang mga barangay dahil dito malimit magsimula ang problema sa droga.

Dahil dito, hinikayat ni Alvarino ang mga Barangay Officials makipagtulungan at makiisa sa kanilang kampanya upang matukoy ang mga nagbibenta at gumagamit ng iligal na droga sa kanilang komunidad.

Dagdag pa ni Alvarion na tuluyan na ring mareresulba ang problema sa droga kung ang lahat ay makikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya kabilang na ang PNP at PDEA.

Speak Your Mind

*