Electronics medical records, ginagamit na sa MHU Mangaldan

Mas mabilis nang nakapagbibigay serbisyo medical ang Municipal Health Office (MHU) Mangaldan, Pangasinan dahil sa kanilang makabagong teknolohiya ng electronics medical records.

Sa tulong ng “Wireless Acces for Health Computer System”, mas mabilis na ang proseso ng mga medical record, dahil ang lahat ng data ng mga pasyente ay naka-program na sa computer.

Sa pamamagitan din umano ng bagong teknolihiya ay makapag-bibigay din ng agarang impormasyon o paalala sa kanilang mga pasyente gamit ang SMS Texting.

Ayon kay MHU Officer Dr. Ophelia Revera, malaking kaluwagan sa kanilang trabaho ang hightech at paperless na bagong inobasyon dahil hindi na nila kakailangan pa ang mahabang oras sa paggawa ng report.

Speak Your Mind

*