Engineering Team ng Pangasinan, sumailalim sa Occupational Safety Standards Seminar

Mahigit isang daang personnel mula sa Provincial Engineering Office (PEO) ng Pangasinan ang nagbigay ng kanilang oras para makinig sa mga bagong kaalaman upang mapahusay pa ang kanilang trabaho bilang mga miembro ng Engineering Team ng lalawigan.

Pinangunahan nina Engrs. Romualdo Delos Santos at Edgardo Ancheta mula sa tanggapan ng PEO, ang isang re-echo activity, ang pamamahagi sa kanilang mga ka-manggagawa sa mga makabagong kaalaman at techniques sa Occupational Safety Standard.

Kabilang dito ang wastong paggamit sa mga personal protective equipment para masiguro ang kanilang kaligtasan habang sila ay nagtatrabaho.

Isa rin itong malaking hakbang para sa Engineering Department na maabot ang performance excellence na layunin sa pamamahala ni Pangasinan Gov. Amado T. Espino, Jr.

Speak Your Mind

*