Episyenteng repayment scheme sa livelihood program ng Pangasinan, napatunayan ng mga benepisaryo

Napapatunayan ngayon ng mga beneficiary groups at mga entrepreneurs sa episyente at sistematikong repayment scheme sa Livelihood Assistance Program ng Provincial Government na nagsimula sa taong 2008 sa ilalim ng pamamahala ni Governor Espino.

Ayon kay OIC Provincial Population Officer Ellsworth Gonzales, naitala nila ang 92 percent repayment rate, at isa umano itong indikasyon para sa mga beneficiary groups na qualified sila para sa renewal ng kanilang kontrata.

Sa ngayon ay may kabuuang 317 cooperatives at associations na may labing isang libong benepisaryo, at tatlumput tatlong proprietors ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) na tumanggap ng P41M-soft loan na nagsilbing augmentation sa kanilang kapital para mapalawak ang kanilang mga proyekto at negosyo.

Speak Your Mind

*