Ex-Brgy. Captain ng Dagupan, sasailalim sa Administrative Investigation dahil sa pamumutol ng mga bakawan

Nakatakdang haharap sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa isang dating Barangay Captain ng syudad ng Dagupan dahil sa kanyang pagpuputol ng mga bakawan sa kanyang fishpond na walang kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ito ay nakarating na sulat kay Mayor Belen Fernandez, mula sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) para isagawa ang isang Administrative Investigation kay former Brgy Captain Lilia Yasar ng Pantal Dagupan City.

Ayon kay Fernandez ang mangrove cutting ay taliwas sa kampanya ng syudad na ma-preserve at protektahan ang kapaligiran ng lungsod.

Si Yasar ay maaaring patawan ng parusa dahil sa kanyang paglabag sa Section 21 ng Republic Act 7160.

Speak Your Mind

*