Ex-mayor ng San Manuel, hinatulang guilty sa anti-graft corrupt

Hinatulan ng Sandiganbayan na guilty sa kasong kurapsyon ang dating alkalde ng bayan ng San Manuel, Pangasinan na si Mayor Salvador Perez na nanungkulan ng labin anim na taon na ang nakaraan.

Napatunayan ng Sandiganbayan na nilabag ng dating alkalde na si Salvador Perez ang Section 3 Paragraph E ng Republic Act No. 3019, o Anti-Graft Corrupt Practices Act, ng bumili ito ng overpriced computer unit noong 1998.

Ayon sa Ombudsman, si Perez ay bumili ng isang computer unit na nagkakahalaga ng isandaan dalawampung libong piso (P120,000) gamit ang pondo ng bayan at personal na kinambas (canvass) ni Perez ang over price computer at hindi ito dumaan sa public bidding na labag sa batas.

Ayon sa korte, hindi umano magkatugma ang mga dokumento sa proyekto dahil ang P120,000 ay sinasabing ibinayad sa Starlet Sales Center sa Tondo, Manila pero nakalagay sa Purchase Order o PO na inisyu ito sa Mobile Link Enterprises sa Mandaluyong City.

Dahil dito, si Perez ay posibleng makulong ng anim (6) hanggang (8) taon, at pirmanenteng madisqualified sa anumang posisyon sa gobyerno.

Speak Your Mind

*