Family Disaster Preparedness, isinasagawa ng CDRRMC

Nagsasagawa na ng Seminar tungkol sa tamang paghahanda kung may Kalamidad ang City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa mga Barangay sa Dagupan.

Ayon kay dating Brgy. Capt. Bernard Cabison ang Technical Consultant ng CDRRMC, kung saan pinapasok na anila maging ang mga sitio sa kada Barangay maipaabot lang sa mga Dagupenyo ang programa ng City Government na Family Disaster Preparedness.

Importante rin aniya na mabigyan ng impormasyon ang kada pamilya lalot na sa mga loobang bahagi ng Barangay o Sitio at ipaalam ang mga kakailanganing gamit na dapat dahil kapag kailangan lumikas dahil sa baha.

Inaasahan naman ang CDRRMC ang kooperasyon ng mga residente sa mga barangay sakaling magdeklara ang ahensya ang Force Evacaution kapag nagkaroon ng mataas na level ng tubig o biglaang pagbaha.

Speak Your Mind

*