Fishport at tail-tagging facility, nakatakdang itayo sa lungsod ng Dagupan

Nakatakdang itayo ng National Government ang Dagupan fishport sa pinagpipiliang lugar malapit sa Calmay River o sa vicinity ng Seafood Processing Plant sa Bonuan Binloc Dagupan City, at katabi nito ang itatayong tail-tagging facility ng lungsod.

Ito ngayon ang isinulong at prayoridad ni Mayor Belen Fernandez, ang eksportasyon ng Dagupan “bangus” sa international market, ang top industry ng Dagupan City.

Ayon pa kay City Administrator Farah Decano, ang nasabing tail-tagging para sa bangus ay layuning masiguro na lahat ng Dagupan bangus na ibibiyahe saang mang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa ay mayroong tag para matukoy na ito ay galing sa Dagupan.

Sa ngayon ani Fernandez, kailangan ang kooperasyon ng mga bangus producers para madetermina ang volume ng production upang malaman kung kaya nilang mai-produce ang supply na kailangan sa buong taon.

Speak Your Mind

*