Flood Prone Areas sa Dagupan, umabot na sa 10 Barangay

Umabot na sa sampu mula sa dating walong Barangay ang itinuturing na Flood Prone Areas sa Lungsod ng Dagupan at mahigpit ng binabantayan ngayon ng City Disaster and Risk Reduction Management Council o CDRRMC.

Ito’y dahil sa nararanasan ngayong pag-uulan na pinangangambahan ng magdudulot ng mga pagbaha sa mga Barangay malapit sa pantal Sinucalan River at ang mga Island Barangay.

Sinabi ni CDRRMC Officer Ronald De Guzman na patuloy ang ginagawang hakbang ng ahensya upang malabanan ang banta ng pagbaha kabilang na dito ang pagbuwag sa mga Illigal Fishpen sa mga ka-ilugan ng Lungsod.

Iginiit ni De Guzman na malaking tulong ang pagdismantle ng mga Ilegal Fishpen sa mga ilog dahil mas napapabilis nito ang daloy ng tubig mula sa mga kabundukan patungo sa Lingayen Gulf.

Speak Your Mind

*