Generally peaceful, pagtaya ng LTO Region 1 sa kanilang oplan balik eskuwela.

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagtaya ng Land Transportation Office o LTO Region 1 sa pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral partikular na sa mga pampublikong paaraalan.

Ito’y ayon kay LTO Regional Director Teofilo Guadiz, kung saan wala silang maitalang malaking aksidente sa lansangan bagamat mayroon parin silang napupunang lumalabag sa batas trapiko kabilang na mga ilang mga tricycle na naghahatid ng mga estudyante na overloading.

Sinabi pa ni Guadiz na ganun din ang ilang mga magulang na naghahatid ng kanilang mga anak gamit ang motorsiklo na lampas sa tatlo ang angkas sa motorsiklo at wala pang gamit na helmet.

Iginiit ng LTO Officials na mahalagang sumunod sa batas trapiko upang mapangalagaan ang kaligtasan ang kanilang mga anak at makaiwas pa sa kaukulang multa sakaling sila ay mahuli ng mga traffic enforcers.

Speak Your Mind

*