Geohazard Mapings ng Region 1, pansamantalang natigil

Pansamantala munang itinigil ng Mines and Geo Sciences Beauru ng Region 1 ang paggawa ng Geohazard Maps na 1:10,000 scale ng ibat ibang munispyo dito sa buong Region 1.

Ito ayon kay MGB Regional Director Carlos Tayag, ay dahil ang kanilang tatlong Geologist ay nasa Tacloban Leyte, upang gawin ang Geohazard Map ng 21 isang munisipyo doon sa loob ng 20 araw.

Nakipag-ugnayan naman ayon kay Tayag, ang MGB sa mga pribadong kumpanya upang matapos ang Geohazard Mappings ng MGB sa pamamagitan ng Public Private Partnership o PPP bilang Corporate Social Responsibility ng mg ito.

Sa ngayon anim naput isang munispyo at siyudad sa Region 1 ang hindi pa natatapos ang kanilang Geohazard Map.

Ang Geohazard Maps na 1:10,000 scale ay detalyadong paglalahad ng mapa hanggang sa sitio o barangay at ginagawang basehan ng mga Local Govt Units ng kanilang Comprehenssive Land Use Plan.

Speak Your Mind

*