Geothermal Plant, itatayo sa Mindoro sa Hulyo

Sisimulan na ang Drilling Operations ng isang Geothermal Project sa Lalawigan ng Oriental Mindoro sa susunod na Buwan!

Ang nasabing Renewable Energy Project ay nagkakahalaga ng isangdaan at walumpung Milyong Dolyar.

Asingko ng Hunyo nang bigyan ng ‘Go-signal’ ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang kumpanyang Emerging Power inc o EPI para masimulan na ang bagong Geothermal Project.

Sa kagitnaan ng 2016 inaasahang magsisimula ang pagsu-supply ng Geothermal Energy ng kumpanyang EPI sa buong Oriental Mindoro.

Napag-alaman na ang Renewable Enegy Project ay kayang mag-supply ng 40 Megawatts na Enerhiya at ipu-puwesto sa Bayan ng Naujan.

Speak Your Mind

*