Groundbreaking Ceremony sa pagpapatayo ng Solar Street Lights sa Lingayen baywalk, pinangunahan ng mga opisyal ng kapitolyo ng probinsya

Pinangunahan ng mga opisyal ng kapitolyo ng probinsya ang Groundbreaking Ceremony sa pagpapatayo ng Solar Street Lights sa Lingayen baywalk sa kahabaan ng Lingayen Beachfront sa bayan ng Lingayen Pangasinan.

Ito umano ay makapagpapalakas sa Ecotourism Industry ng probinsya, kung saan gagamitin sa nasabing proyekto ang mga indigenous sources ng enerhiya para kahit papaano ay makatipid ang lalawigan sa gastos sa kuryente.

Ayon pa kay Provincial Administrator Rafael Howard Baraan, ang nasabing proyekto ay makakatulong na maisulong ang turismo at nagpapahiwatig na seryoso ang probinsya sa isyu ng Environmental Protection and Conservation.

Sinabi ni Baraan na sa pamamagitan ng solar energy na gagamitin dito sa pagpapailaw ay makakatipid ng 30 kilowatts sa kuryente kada buwan at kaakibat sa proyekto ang San Roque Power Foundation, Team Energy Foundation, at Trademaster Resources Corporation.

Speak Your Mind

*