Health Advocacy Program ng Lingayen District Hospital, aarangkada na

Nakatakdang isasagawa ng Public Health Team ng Lingayen District Hospital ang isang Health Advocacy Program simula sa June 26 hanggang August 6 ngayong taon.

Ito ay may kaugnayan sa selebrasyon ng National Nutrition Month, na naka-angkla sa temang: “Pangasinan Go… For a Better Health,” at target na  maisulong dito ang kalusugan ng batang mag-aaral, lalo na ang mga Day Care Pupils, at kabilang din ang mga guro at magulang sa pamamagitan ng Health Information Campaigns.

Layunin ng nasabing kampanya na maiwasan ang paglaganap ng mga karaniwang sakit gaya ng dengue, pagtatae, tigdas, hypertension, diabetes, skin disorders, malnutrition, rabies, vehicular accidents at tooth decay.

Ayon pa kay Franklin Sable, ang Chief ng Lingayen District Hospital, mahigit pitong libong batang mag-aaral ang inaasahan mebebenepisyuhan mula sa ibat ibang health activities na isasagawa sa pitong elementary schools sa mga bayan ng Bugallon, Labrador, Mangatarem, Lingayen at Aguilar.

Speak Your Mind

*