Heat Star Lebron James, tiwalang mababali nila ang kasaysayan sa NBA Finals

Magtatangkang gumawa ng kasaysayan si Lebron James at ang Miami Heat umpisa sa game 5 ng NBA Finals ngayong araw.

Lubog ang Heat, 3-1, at posible nang hamigin ng San Antonio Spurs ang panlimang NBA title kapag muling na­ngibabaw ngayon.

Nanganganib ang termino ng two-time Champion Heat, huling hirit nila ito para pahabain at ibalik sa Miami ang serye, at paypayan ang nanlalamig nang season.

Ang Spurs ang 32nd team sa kasaysayan ng NBA na may 3-1 lead sa Finals, at lahat ng nauna sa kanilang 31, naiuwi ang titulo.

Ngunit sa panig ni Heat Star Lebron James, tiwala itong maari nilang mabali ang kasaysayan.

Speak Your Mind

*