Hindi limitado sa visiting days ang pagbisita kay Senador Revilla

May full access sa kulungan ni Senador  Ramon “Bong” Revilla Jr. Ang kanyang Abogado, Doktor at Spiritual Adviser nito.

Ayon kay Phil. National Police Spokesman Chief Supt. Reuben Sindac, hindi limitado sa visiting days ang magiging pagbisita ng mga ito sa Senador.

Ang mga araw ng pagbisita ay huwebes at linggo, mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Sinabi pa ni Sindac na kung dati ay lumalagpas sa itinakdang oras ng dalaw ang Pamilya Revilla sa ngayon aniya ay nilimitahan na ang mga ito.

Simula aniya sa linggong ito at ay wala na ang irregular visiting hours at masusunod na ang regular hours na dalaw.

Speak Your Mind

*