Hindi na umano makontrol ang paglaganap ng Ebola Virus sa West Africa

Nabatid na patuloy na dumarami ang bilang ng mga nasasawi dahil sa Ebola Virus kung saan umabot na sa 330 ang nasawi sa Guinea, Sierra, Leone at Liberia base umano sa record ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay Bart Janssens, Director ng Operations for the Medical Group, kinakailangan ng magpadala ng mga Health Experts ang International Organization at Gobyerno para maitaas ang kampanya laban sa naturang sakit sa publiko.

Nalaman na ang sintomas ng Ebola Virus ay ang pagkakaroon ng internal bleeding, organ failure at nakukuha sa pamamagitan ng direktang contact sa taong may impeksyon.

Speak Your Mind

*