Hindi pagkakasama ni Nora Aunor sa mga itinanghal na National Artist, idinipensa ng Malakanyang

Idinipensa ng Malakanyang ang hindi pagkakasama ng aktres na si Nora Aunor sa listahan ng mga ginawaran ng pamahalaan ng parangal na National Artist.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Na wala namang pulitika sa hindi pagkakasama ni Aunor sa mga tinanghal na National Artist.

Nilinaw rin ni Coloma na ang Pangulong Aquino ang may huling salita kung sinu-sino ang dapat na magawaran ng nasabing parangal.

Ginawa ni Coloma ang pahayag sa gitna ng pagprotesta ng mga taga-suporta ng aktres dahil hindi ito napabilang sa listahan ng mga national artist.

Speak Your Mind

*