Hirit na umento sa sahod ng mga guro, iniisnab lang umano ng gobyerno

Ipinagsasawalang-bahala lang ng gobyerno ang hirit na umento sa sahod ng mga guro!

Ito ang tahasang sinabi ni Alliance of Concerned Teachers National Chairman Benjie Valbuena, sa panayam ng DZAR sonshine radio.

Ayon kay Valbuena, mas pina-prayoridad pa ng pamahalaan ang paglalaan ng pondo para ipambayad sa mga utang ng pilipinas kaysa sa sektor ng edukasyon.

Sa kabila nito, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Valbuena, na matututukan rin ng gobyerno ang matagal nang hiling ng mga guro na taasan ang kanilang sweldo.

Speak Your Mind

*