Human trafficking, ibinababala ng CIDG Pangasinan sa mga magulang

Nagpaalala ngayon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pangasinan sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang hindi mabiktima ng human trafficking.

Ito’y matapos na ma-rescue ang isang dalagita edad labing pito sa isang night club sa Dagupan na umano’y namamasukan bilang GRO o Guest Ralation Officer.

Ayon kay Richard Palay, team leader ng CIDG Pangasinan, malinaw na paglabag sa Republic Act No. 928 o Anti-Trafficking in Person Act of 2013 kung saan ipinagbabawal ang paghikayat sa isang tao para isailalim sa ibat-ibang uri ng pang-aabuso.

Dapat umanong mamonitor ng mga magulang ang bawat kilos at pinupuntahan ng kanilang mga anak, at huwag basta maniwala sa mga alibay ng mga ito upang maiwasan na mabiktima ng sexual abuse na isa sa itinuturing na human trafficking.

Speak Your Mind

*