Ibat-ibang aktibidad sa West Philippine Sea, pinahihinto

Nais ng Department of Foreign Affairs na makausap ang China at ang iba pang bansa sa South East Asia para talakayin ang isyu sa agawan ng territoryo sa West Philippine Sea.

Ani DFA Secretary Albert Del Rosario, layon nitong hikayatin ang iba pang bansa na ihinto muna ang anumang aktibidad na isinagawa nila sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Del Rosario, target nila itong maikatuparan bago pa man matapos ang binubuong code of conduct in the South China Sea ng United Nations.

Naniniwala si Del Rosario na ang pagbuo ng code of conduct ang dahilan kung bakit pinapaspasan ng china ang pagpapatayo nito ng gusali sa pinag-aagawang mga teritoryo.

Speak Your Mind

*