Ilang Bayan sa Iraq, kontrolado na ng Jihadists; Daang-libong Iraqis, nilisan na ang kanilang Bansa

Dapat nang isailalim sa State of Emergency ang Bansang Iraq.

Ito ay matapos lusubin at kontrolin ng Islamist Militants ang Bayan ng Mosul at Nineveh.

Ayon kay Prime Minister Nouri Al-maliki, lumikas na ang halos dalawangdaang libong Iraqis matapos kubkubin ng Militanteng Grupo ang mahahalagang bahagi ng Iraq!

Maging ang mga Tropa ng Militar ay nilisan na rin ang Bayan ng Mosul matapos itong atakehin ng daan-daang Jihadists.

Labis na ikinaaalarma ng Estados Unidos ang mga kaganapan ngayon sa Iraq dahil tiyak na malalagay rin sa alanganin ang mga karatig bansa nito.

Sa ngayon ay walang-tigil pa rin ang palitan ng putok sa pagitan ng Militar at ng militanteng grupo na unti-unti na gustong pabagsakin ang Gobyerno para sila na ang tuluyang kumontrol sa Iraq.

Speak Your Mind

*