Ilang fishcages sa Anda, nakaranas ng paggataw.., Agriculture Office, itinuturing na isolated case lang

Apektado na ng mainit na panahon ang ilang fish cages sa bayan ng Anda, Pangasinan dahil naitala na rito ang ilang paggataw ng mga alagang isda.

Naitala ang paggataw sa ilang fishcages sa bayan ng Anda noong Mayo a bente sais kung saan ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, masyadong mababa ang desolved oxygen level ng tubig dulot ng al-al o biglaang pag-ulan sa hapon o gabi.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, ang Chief ng BFAR’s National Integrated Fisheries Technology Development Center, kritikal para sa alagang isda ang kundisyon ng tubig na apektado ng neap tide dahil makakain ng isda ang mga naiipong dumi at nabubulok na mga feeds.

Una ng nilinaw ng Anda Municipal Agriculturist na si Elizabeth Tomas, na isolated lamang ang nangyaring paggataw dahil hindi pa naman apektado ang kabuuan ng aquaculture area ng nasabing bayan.

Speak Your Mind

*