Ilang indibidwal na sangkot sa PDAF, pinalusot umano ni Janet Lim-Napoles

May ilang indibidwal na sangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam ang pinalusot umano ng itinuturong Pork Scam Queen na si Janet Lim-Napoles.

Inamin ni Atty. Bruce Rivera, abogado ni Napoles, na may ilang mga sangkot sa pork barrel scam ang hindi isinama sa isinumiteng affidavit ng kanyang kliyente.

Ito ayon kay Rivera ay dahil na rin sa kawalan ng Documentary Proof na magpapatunay na nagkaroon ng transaksiyon ang mga ito kay Napoles.

Ipinaliwanag ni Rivera na walang paper trail sa ebidensyang hawak ng kanyang kliyente kundi pawang mga voucher at mga bank records lamang.

Speak Your Mind

*