Ilang Kongresista umapela sa UNCLOS

Umapela ang ilang Kongresista sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na kagya’t aksyunan ang “Notification and Statement of Claim” na isinampa ng Pilipinas laban sa China.

Ito’y sa kabila ng pagtanggi ng China na sumailalim sa isang third-party arbitration.

Sinabi ni Iloilo Congressman Jerry Trenas na dahil kitang-kitang ayaw ng China sa anumang klase ng Arbitration at nagpupumilit sa kapangyarihang militar nito, dapat na aniyang magpahayag ng posisyon dito ang mundo.

Kahit aniya hindi kikilalanin ng China ang anumang resolusyong hindi papabor sa kanila ay dapat gumawa ang UNCLOS ng posisyon kaugnay sa nine-dash claim nito.

Speak Your Mind

*