Ilang NFA outlet sa Pangasinan, pinipilahan na dahil sa mahal ng commercial rice

Dinoble na ng National Food Authority (NFA) Eastern Pangasinan ang alokasyon na kanilang ibinibigay sa mga NFA Outlet o bigasang bayan.

Ayon kay NFA Eastern Pangasinan Assistant Manager Dionesio Rivera mula sa dating 20 sako ng NFA rice noong nakaraang buwan, ngayon ay 40 bags na ang kanilang ibinabagsak upang mapunan ang pangangailangan sa merkado.

Una rito, pinipilahan na ng mga mamimili ang mga NFA Outlet sa ilang palengke dito sa Pangasinan dahil masyadong mataas ang presyo ng commercial rice.

Katuwiran umano ng mga mamimili, mas malaki ang kanilang matitipid kung NFA rice ang kanilang bibilhin dahil nagkakahalaga lamang ito ng P27 hanggang P32 kada kilo kumpara sa commercial rice na pumapalo na sa P40 hanggang P44 ang kada kilo.

Speak Your Mind

*