Ilang Pinoy mula sa Libya, nagsisi-uwian na ng bansa dahil sa patuloy na kaguluhan doon

May labing-limang pinoy ang dumating sa bansa matapos magsilikas sa Libya kasunod ng itinaas na Crisis Alert level three sa nasabing bansa.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nasabing batch ay pawang mga empleyado ng kumpanyang Hyundai E-and-C.

Dahil dito, umaabot na sa 147 Pinoy ang napapauwi ng pamahalaan simula nang ipatupad ang alert level three o voluntary evacuation sa Libya.

Maliban dito, sinabi ng d-f-a na may 310 pang pinoy ang nagpatala na rin para boluntaryong makabalik ng bansa.

Patuloy na nananawagan ang DFA sa mga pinoy sa libya na umuwi na sa bansa at tanggapin ang alok na voluntary repatriation kung saan popondohan ito ng pamahalaan.

Speak Your Mind

*