Inuming tubig, minomonitor narin ng PHO Pangasinan

Mahigpit naring minomonitor Ng Provincial Health Office sa lalawigan ng Pangasinan ang mga inuming tubig sa mga bayang sakop ng Eastern Pangasinan.

Kaugnay parin ito sa nangyaring umano’y pagkalason ng mga residente sa nasabing lugar dahil sa nakaing itlog na maalat na nabili sa sa iba’t ibang tindahan at palengke sa lugar.

Sinabi ni Pangasinan PHO Officer Dr. Anna de Guzman, na layunin nito na malaman ang tunay na dahilan ng pagkakasakit ng mga biktima at matukoy na dahilan ng suspected food poisoning.

Sa ngayon bumubuo na ang surveillance team ang PHO para tumutok sa imbestigasyon ng kaso sa pagkakasakit ng mga residente sa nasabing lugar.

Speak Your Mind

*