Isang milyong pisong multa sa mga kolorum na bus, ipatutupad na ng LTFRB

Mula sa kasalukuyang 6,000—piso, magiging isang milyong piso na ang multang ipapataw sa mga bus operator na mapatutunayang nag-o-operate ng kolorum.

Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, layunin nitong tuluyan nang maalis ang mga kolorum na pampasaherong sasakyan sa mga lansangan.

Ipinaliwanag ni Abaya na dahil sa mga nangyayaring aksidente sa lansangan, dapat ay magiging mabigat ang parusang ipapataw sa mga lumalabag sa batas.

Nabatid na ang mas mataas na multa ay epektibo na sa Hunyo a-19.

Bukod sa parusa, ang mga kolorum na behikulo ay i-impound ng mula tatlong buwan at iri-revoke din ang kanilang vehicle registration.

Speak Your Mind

*