Isasagawang Kilos protesta kasabay sa Araw ng Kalayaan, gawing mapayapa

Nakiusap ang Malacañang sa mga raliyista na gawing mapayapa ang isasagawang kilos protesta kasabay ng paggunita sa ika-116 na Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., umaasa silang magiging mapayapa ang isasagawang rally na may kaugnayan sa Pork Barrel Scam.

Kasabay nito, pinakiusapan din ni Coloma ang mga raliyista na sumama sa pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan na mayroong temang “Pagsunod sa Yapak ng mga dakilang pilipino tungo sa malawakan at permanenteng pagbabago”.

Sinabi ni Coloma na pangungunahan ni Pangulong Aquino ang paggunita sa Araw ng Kalayaan sa Naga City bilang pagkilala sa 15 mga Taga-Naga na pinatay sa bagumbayan noong 1897.

Speak Your Mind

*