Isinusulong sa Kamara ang pagtatayo ng isang kulungan para lamang sa mga High Profile Detainees.

Dahil dito, hiniling ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe sa Kamara na aksyunan agad ang kanyang panukalang ito.

Sinabi ni Batocabe na kailangan na ngayon ang Profile Detention Facility dahil sa dami ng mga Senador, Kongresista at mga Opisyal ng Gobyerno na dawit at inaasahang makukulong dahil sa Pork Barrel Scam.

Ang naturang bilangguan ay magiging bukas din naman aniya sa mga makakasuhan ng Non-bailable Offense habang sila ay nililitis.

Ang panukala ay inihain noon pang nakaraang taon subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa naisasalang sa pagdinig ng house Public Order and Safety Committee.

Speak Your Mind

*