Itatayong Fishport sa lungsod ng Dagupan, patuloy na pinag aaralan ni Mayor Belen Fernandez

Patuloy na pinag-aaralan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez kung saan itatayo ng fishport sa lungsod upang maiwasan na maging white elepant o hindi mapakinabangan ang proyekto.

Una rito, ikinukonsidera ang Brgy. Bonuan Binloc na pagtayuan ng fishport alinsunod umano sa napagkasunduan nila ni 4th District Congresswoman Gina De Venecia, dahil dito rin nakatayo ng Food Processing Plant.

Iginiit ni Mayor Fernandez, na nais muna niyang makipag dayalogo sa mga fishing boat operator upang makuha ang kanilang opinyon kung saan nila gustong ilagay ng proyekto.

Hindi umano papayag si Mayor Fernandez, na hindi mapakinabangan ng mga magsisigay ang proyekto na pinunduhan ng 40 milyong piso ng Philippine Fisheries Development Authority.

Speak Your Mind

*