Janet Lim-Napoles, dapat ng ibalik ang ninakaw na pera sa kaban ng bayan.

Dapat nang ibalik lahat ng tinaguriang utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles ang diumano’y nanakaw nito sa kaban ng gobyerno.

Ito ang iginiit ni Senador Sergio Osmeña, sa gitna ng ulat na nakahanda si Napoles na magbalik ng nasa dalawang bilyong pisong kinita nito mula sa pork scam.

Ayon kay Osmeña, hindi niya alam kung magkano ang nanakaw ni Napoles kaya hindi masasabi kung sapat na ang dalawang bilyong piso.

Iginiit ni Osmeña na dapat maging totoo si Napoles sa pagsasabi kung magkano talaga ang nakulimbat niya sa gobyerno para makuwenta kung magkano ang dapat niyang isauli.

Matatandaang pinayagan ng Department of Justice na magsauli ng nasa 40-milyong piso si Ruby Tuason na isa sa mga nagsilbing agent ng mga mambabatas sa pork barrel fund scam.

Speak Your Mind

*